Wednesday, February 4, 2015

Mayroon nga pala nire

Weh!
Nakalimutan ko na naman na mayroon nga pala akong blog na dapat i-maintain. hehehe.
Paumanhin po.
Pero sa susunor e aalalahanin ko na. Sabi nga ng mga matatanra, "isilir sa tuktok".

Ang layon ko la-ang naman e ilabas ang pagiging Morongenyo ko sa sulot na ito. Gawa ng sapul nuong ako e magka-asawa e sa Teresa na kami tumira. At puro mga usap-Teresa at puntong-Teresa ang naririnig ko. Maski magkahawig ang punto e para sa akin e mas masarap pa ring pakinggan ang puntong aking kinagisingan.

Sa uulit po, hane?

Wednesday, August 19, 2009

Araw ng Pagsilang

Talagang itinakda ko na sa araw na ito simul-an ang blog na ito. Ngayon ay Agusto 19, 2009. Ngay-on ay ang tradisyunal na pagtatapos ng Linggo ng Wika. Nagsapol ito nuong Agusto 13, 2009 at nagtatapos sa kaarawan ng dating Pang-ulong Manuel Luiz Quezon.

Ang blog na ito ay naglalayon na magtalakay ng ilang mga isyu tungkol sa ating pagka-Pilipino at ilang mga katangian rin ang sinilangan kong bayan na Morong, Rizal. Inyo pong antabayan kung anu-ano ang mga maiisipan kong ilimbak rito.

Salamat po.